Sunday, December 13, 2009

Natitirang bihag ng Ondo Perez group, papalayain na

Papalayain na anumang oras ang natitirang mga bihag ng dating CAFGU leader na si Ondo Perez sa Prosperidad, Agusan del Sur. Sa panayam ng Radyo Patrol, sinabi ni Alfredo Plaza, tumatayong spokesman ng binuong Provincial Crisis Management Committee, paakyat na sa bundok sa Sitio Maitum ang mga kinatawan ng komite partikular ang negotiating panel at kinatawan ng iba't-ibang ahensya ng pamahalaan sa Agusan upang sunduin ang mahigit 41 pang hostage victim. Ang pagpapalaya ay kasunod na rin nang naging pagpupulong ni Perez at ng lider ng kalabang grupo na si Datu Calpit Igwa kasama ang mga kinatawan ng Crisis Management Committee. Sinasabing pumayag na si Perez na palayain ang mga bihag at sumang-ayon na rin sa mga kondisyong inilatag ng komite. Ayon kay Plaza, nakatakda namang i-turn over si Perez at iba pang mga kasamahan sa Archdiocese ng Agusan del Sur habang isinasailalim sa review ng Tribunal Council ang kasong kinakaharap nito. Ipapasa naman sa mga otoridad ng mga hawak na armas ng grupo.

No comments:

Post a Comment

Followers

DXDD Radio Station

DXDD Radio Station
CATHOLIC MEDIA NETWORK(CMN)-KAPISANAN NG MGA BRODKASTER NG PILIPINAS(KBP)

Dan-ag Balita Online Blog

Online Balita sa Dakbayan ug Lalawigan

KAPISANAN NG MGA BRODKASTER NG PILIPINAS

My photo
OZAMIZ CITY, REGION X, Philippines